September 02, 2011

what's happening? what's on your mind? :)

09/02/2011

Tanong ng Twitter:
What's happening?
Bago ko bumaba ng opis sumasakit talaga ang dibdib ko grabe tas, bumalik uli ako sa opis, kukunin ko yung payong ko sa 21st floor, tsk hindi agad gumana yung ID ko. Lumabas uli ako, Sumakay ng FX. kapagod.

Tanong ng  Facebook:
What's on your mind?
Pagbaba ko ng opis grabe ang chest pain ko nasobrahan nanaman yata ko sa kape, naisip kong dapat kong dalasan yung jogging ko, tas naisip ko rin si Drew Arellano na nag-absent sa isang fun run kase daw may chest pain sya. Kainis kase naisip kong baka umulan kaya bumalik pa ko kinuha ko pa yung payong ko sa taas ulet. Nagtaka talaga ko kung baket hindi gumana yung ID ko nung papasok uli ako naghinala tuloy si kuya kaya tsinek pa yung picture ko. Sa mga ganung pagkakataon lang talaga nila nachechek kung ID talaga ng mga tao yung gamit nila. Paglabas ko uli nung may nag-apir na dalawang lalaki siguro panggabi yung isa pangumaga yung isa parang magsa-sub na sila :) Pagsakay ko ayaw masara nang maayos yung pinto ng FX kase siksikan na mga pasahero..hihi :P

ayun ang kaibahan. what's happening? what's on your mind? :)
gusto kong gumawa ng maraming ganito~  bow.