May 26, 2009

÷x+-

'di ako matahimik. nawawala kasi ung calculator sa phone ko. ang weird kasi application un hindi naman yun pwedeng mabura kung kinokonek ko man ung phone ko sa pc at nagbubura man ako ung mga files un sa memory card. pano kaya nangyare yun at bakit apektado talaga ko..?

isang gabi nagtanong pa ung customer sa phone kung nakapull up daw ba calculator ko, nalungkot talaga ko kasi naalala ko na naman.

tapos pumasok sa isip ko na para sakin 100% mahalaga ang math sa buhay ko at naten. nagtanong tanong din ako sa dalawa kong kaibigan sina berto at erning at sinagot naman nila ko na 100% talaga ang halaga ng math sa buhay ng tao. with added details pa nga sa sagot ni erning kasi daw paggising nya tinitignan nya kung anong oras na at kung andun ang dalawa nyang tsinelas. nice.

and i feel like a song coming.. 

hindi mo ba napapansin mga bulaklak ay magkakawangis, mga dahon ay magkakahugis..
hindi mo ba naitatanong mundo'y may ayos na sinusundan sa math ninyo ay malalaman..
halina sumama na kayo, maglakbay, mag-enjoy, maglaro
tuklasin ang math sa buhay natin halina magmath na tayo!....
halina sumama na kayo, maglakbay, mag-enjoy, maglaro (manaliksik) maging math tinik! :D

sana mabalik na sa phone ko ung calculator na feature...

No comments:

Post a Comment